"Payo Ko Lang"
- Xander Venix
- Jul 23, 2018
- 1 min read
Nagdaramdam ka na naman? Iniisip mo na naman siya? Tama na 'yan. 'Di rin naman na niya malalaman ang tunay mong halaga Nakamukmok ka na naman diyaan Nakatulala, balisa naaalala mo siya Itigil mo na yan 'Di na rin naman niya mararamdaman kung ano ka pa sa buhay niya Nandiyan ka na naman nakaupo sa isang tabi Pinipilit na ngumiti kahit may sakit na sa puso at hapdi Tumayo ka jan Wala namang makaaalam ng tunay mong nararamdaman Ano masakit pa rin ba? Tama lang 'yan.
Lumuha saglit at pagkatapos kalimutan mo na siya 'Di rin naman niya binigyang halaga ang pagiging KAYO sa kaniya Kaya ka niya iniwan 'di dahil sa distansya kundi baka dahil sa may iba na siya Kaya ikaw ngumiti ka na Ipakita mong kaya mong sumaya kahit wala siya Malayo man kayo sa agwat ng distansya Panatilihin mong doon na lang siya at ikaw kung saan ka malaya Ayan ka na naman nananahimik Nakahiga sa kama at pawang walang imik Inaalala mo na naman siya kahit 'di na siya muli pang babalik Kaya bumangon ka diyan maging masaya ng 'di tinatanong kung bakit? Ka niya iniwan na may bakas sa puso ng pangungulila at sakit Nandiyan ka na naman nakaupo sa kung saan Iniisip ang alaalang dapat ibinaon na sa kawalan Kahapong kaganapang dapat mo ng kalimutan.
Iwaksi sa isipan upang 'di ka na lubusan pang masaktan

Iwaksi mo na sa iyong isipan upang 'di ka na muli pang masaktan
Comments