"Hustisya sa Maling Sistema"
- Xander Venix
- Aug 13, 2018
- 2 min read
Aanhin ko ang masasamang komento kung may mga taong 'di makukuha ang punto ko? Ano nga ba ang batayan para masabing mali ang panghuhusga ko? Simulan nating paingayin ang mundo ng mapanlinlang na hustisya Marami sa kulungang namumuhay ng 'di matiwasay dahil sa hindi tamang pasya Kung ang batas ay butas at bukas ang bakas para masabing ito ay patas Paano maipapaliwanag ang sistema nitong noon pa man ay kalas-kalas? Ang tanging pinaghahawakan ng mga inosente sa kulungan ay ang paglitaw ng umaga Dahil ibig sabihin ay buhay pa sila at ang hatol ay pinag-aaralan pa Ngunit ang mamuhay sa hawlang pinatawan ng parusang hindi mo kailanman ginawa Ay higit pa sa masaktan ng paulit-ulit kapag nagmamahal ka Ano kayang pakiramdam ng mga pamilya nilang tanging kinakapitan lang ay pagluha? Hawak ang mga panyong nababasa ng tubig habang pinakikinggan ang hatol sa kanila Ano kayang pakiramdam ng pagkaitan ka ng kalayaang ipagtanggol ang sarili? Habang may mga taong nagsasaya dahil natakpan ang butas ng kanilang pagkukunwari Madalas ganito ang batas, walang maayos na sistema, karamihan pa sa nagpapatupad ay mga buwaya Sinusunggaban ang mga inosenteng nilalang kahit wala namang ginagawa Ngayon paano ibabalik ang tiwala sa sistemang unti-unti ng binubura Nang mga maling desisyon dahil sa mga hindi tamang paniniwala? Paano magiging madali sa mahirap ang tablahan ang salapi ng mayayaman? Kung ang kanilang kakalabanin ay mga pinunong may makapangyarihang pader na sinasandalan Paano magkakaroon ng hustisya sa tamang pagpapasya Kung huli na para umapela sa kaakunting pag-unawa? Na hindi lahat ng hinapan ay masama kundi isa lang ring biktima Nang sistemang bulag na nga ay madilim pa ang pagtingin sa kung ano ang mali at tama

Comments